^

Bansa

Sahod ng kasambahay sa MM ipapako sa P2,500

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Umusad na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong ipako na sa P2,500 ang pinakamababang suweldo na dapat matanggap ng mga kasambahay na sa Metro Manila nagtatrabaho.

Sa orihinal na panukala ni Senator Jinggoy Estrada nais sana niyang gawing P3,000 ang pinakamababang sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila o National Capital Region pero P2,500 lamang ang naaprubahan nang isalang ang panukala sa Labor, Employment and Human Resource Development.

Ayon kay Estrada, panahon na upang amyendahan ang mga probisyon sa Labor Code of the Philippines na nagtatakda ng sahod ng mga kasambahay dahil nakapako lamang sa P800 ang minimum na sahod ng mga ito kung sila ay nasa Metro Manila.

Ang mga kasambahay naman na nasa mga first class municipalities ay hindi dapat bumaba sa P2,000 ang buwanang sahod at P1,500 sa ibang munisipalidad.

Nais namang masigurado nina Senators Vicente Sotto III at Alan Peter Cayetano na hindi maapektuhan ng nasabing panukala ang mga kasambahay na mas mataas na sa P2,500 ang kasalukuyang suweldo.

Maglalagay ng probisyon ang mga senador sa panukala upang masigurado na hindi ibababa ang sahod ng mga kasambahay na higit na sa P2,500 ang natatanggap.

Magiging mandatory na rin ang pagkakaroon ng kontrata sa pagitan ng kasambahay at employer nito upang masiguradong hindi maaagrabyado ang mga ito.

Nilinaw din na hindi kasama ang mga family drivers sa Kasambahay Bill na pumasa na sa ikalawang pagbasa.

ALAN PETER CAYETANO

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCE DEVELOPMENT

KASAMBAHAY

KASAMBAHAY BILL

LABOR CODE OF THE PHILIPPINES

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

SENATOR JINGGOY ESTRADA

SENATORS VICENTE SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with