MANILA, Philippines - Idinepensa ng Alagaan Natin ang Inang Kalikasan (ANIKALIKASAN), isang grupo ng mga lehitimong Private Emission Testing Centers (PETC) ang kasalukuyang Direct Connection Facility na ginagamit ng Land Transportation Office (LTO) Information Technology na kung saan ay mas epektibo ito at sinisiguro ang integridad sa proseso ng emission testing sa bansa.
Ayon kay Rod Susi, chairman ng ANIKALIKASAN hindi totoo ang alegasyon ng mga PETC IT providers na ang Direct Connection Facility na dinevelop ng Stradcom Corporation ang dahilan ng matinding non-appearance emission testing sa bansa katunayan umano bago pa lamang magkaroon ng direct connection facility sa LTO ay talamak na ang non-apperance activities.
Sinabi pa ni Susi na ang pinakamabisang paraan upang maresolba ang problema ng non-appearance ay ang pagkakaroon ng striktong technical standards ang LTO at DOTC na susundin ng mga PETC IT providers at ng Stradcom Corporation, sa ganitong paraan ay magiging epektibo at maipapatupad pa ang Clean Air Act.