Bacoor Cityhood minamadali sa Kamara
MANILA, Philippines - Handa na si Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado Revilla na iprisinta sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 521 na naglalayong maging isang lunsod ang bayan ng Bacoor sa lalawigan ng Cavite.
Ito ay makaraang ganap na makalusot sa Committee on Local Government sa House of Representatives ang naturang panukala sa ginawang pagdinig ng komite noong nakalipas na Miyerkules.
“Kung ating papansinin, puro lunsod na ang ating dadaanan palabas ng Metro Manila patungong Timog Luzon, kaya dapat lamang na mai-promote na ang Bacoor bilang isang lunsod,” paliwanag ni Congw. Revilla.
Anya, kung ang uri ng pamumuhay ng tao at takbo ng negosyo ang pag-uusapan sumasabay na ang Bacoor sa mga katabing lunsod na nangangailangan ng higit na maayos na serbisyo ng local government unit nito.
Umaasa si Revilla na makakalusot ang naturang panukala sa dalawang kapulungan sa loob ng papasok na taon at maidadaos ang plebisito sa 2012.
- Latest
- Trending