Lagda ni P-Noy nasa bagong pera ng Pinas
MANILA, Philippines - Magkakaroon na ng bagong pera ang Pilipinas simula sa araw na ito kung saan ay nakalagda na dito si Pangulong Aquino.
Ilulunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bagong mukha ng pera ng bansa kung saan ay mayroong bagong disenyo at may pirma na ng Pangulo.
Iniharap kay Pangulong Aquino ni Fe dela Cruz, corporate affairs office ng BSP, sa Malacanang ang bagong bank notes na lalabas sa susunod na buwan.
Ayon kay dela Cruz, ang mga bagong pera na may denomination na 20, 50, 100, 200, 500 at 1,000 bills ay mayroon nang lagda ng Pangulo kasabay ng bagong disenyo at security features nito.
Ang mga lumang pera ay legal tender pa rin kasabay ang apela sa taumbayan na alagaan ang ating pera at huwag itong hayaang masira.
- Latest
- Trending