Chinese General Hospital at Medical Center, nagbukas ng 9th floor sa bagong building
MANILA, Philippines – Ipinapaalam ng Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC) na dahil sa dami ng pasyente, nagbukas ng 9th floor ang New Medical Arts Building na binuksan noong December 2009 at nag-aanyaya sa mga interesadong doctor na magkaroon ng klinika doon. Puwede nilang kontakin si Ms. Cheche Jiongco, deputy administrator o si Ms. Gina Co, secretary.
Ang ospital na nagbukas noong 1891 ay may 119 years nang milestone history at 592-bed capa-city na nagpapatuloy sa kalidad ng serbisyo at may modernong medical equipment at facilities ayon sa mga officials.
Ang 10th-floor New Medical Arts Building na karatig sa main hospital ay dinisenyo para sa karagdagang medical clinics na may helipad at parking area para ma-accommodate ang mga hospital patrons. Isang tulay ang nag-uugnay sa main hospital para madaling madaa-nan. May Puregold at food chains gaya ng Red Ribbon, Wendy’s, Kamayan at Zagu na nasa basement para sa mga pasyente.
- Latest
- Trending