MANILA, Philippines – Hindi sinipot ni DSWD Sec. Dinky Soliman ang imbestigasyon ng House committee on good government na mag-iimbestiga sa P10-B Poverty Eradication and Alleviation Certificate (PEACe) bonds dahil wala daw itong kinalaman dito.
Nadismaya naman sina Iloilo Rep. Jerry Trenas at Sorsogon Rep. Salvador Escudero sa ginawang pag-snub ni Sec. Soliman sa kanilang imbestigasyon bagkus ay nagpadala lamang ng liham sa komite at sinabing wala siyang kinalaman sa PEACe bonds.
Pero sa kabila ng pagtanggi ni Soliman ay natuklasan na ang kanyang mister na si Atty. Hector Soliman ay board of director ng foundation na tumanggap ng P1.3 bilyon na komisyon mula sa zero-coupon PEACe bond na mag-mamature na sa 2011.
Ayon kina Escudero at Trenas, dapat ay magpaliwanag ang DSWD dahil ang kanyang mister na director ng Peace and Equity Foundation na nakakuha ng 90 percent ng P1.3 bilyon na nakuha ng Code-NGO sa pamamagitan ng bonds.
“The fact na hindi siya nag-attend hindi maganda, mas maganda na ipaliwanag niya. Kasama niya ang kanyang esposo araw-araw, alangan namang hindi nila ito napa-pag-usapan para maliwanagan na ito, naiwan pa naman ang asawa niya ng wala na siya,” giit pa ni Escudero.
Itinuro naman ng Code-NGO chairperson Anna Marie Karaos sa komite na ang mister ni Soliman kay member ng board ng PEF na nakasukol ng 90 % ng P1.3-B PEACe bonds.