Hirit sa Kongreso: RH bill 'wag payagan
MANILA, Philippines – Hinikayat ni dating DENR Secretary Lito Atienza ang mga miyembro ng Kongreso at ng Committee on Population na huwag pahintulutan ang panukalang Population Control and Reproductive Health Bill na nakabinbin ngayon sa Kamara.
Sa pagharap ni Atienza sa public hearing ng komite bilang founder at Pangulo ng Kababaihan ng Maynila na isang matatag na prolife organization, at Coalition of Life and Family, isang bagong tatag na samahan ng iba’t ibang prolife organizations, iginiit nito ang panawagan ng kanyang grupo para sa mas maayos na palakad ng ating natural resources, equal distribution of wealth, productivity para sa bawat isang Filipino at pag-aalis ng korupsyon ang mga solusyon upang maalis ang kahirapan sa bansa.
Inihalimbawa pa ni Atienza ang pagbuo ng contraceptive mentality sa mga kabataan ay pagsira na rin sa kaugalian tungkol sa sex, pamilya at buhay na magreresulta sa mas matindi pang kahirapan sa halip na kasaganaan ng buhay.
Paliwanag pa ni Atienza una na umanong ipinag- bawal ang pananalangin sa mga pampublikong paaralan at ngayon naman ay ang pagtuturo tungkol sa sex sa murang edad na 10 hanggang 15 taon ,sigurado umano na magreresulta ito ng “generation of sex maniacs”.
At dahil na rin may panukalang kasong kriminal ang sinumang tututol sa birth control program, iginiit ni Atienza na mawawalan ng sapat na bilangguan o kulungan upang ikulong ang lahat ng hindi papayag sa nasabing batas sa sandaling maipasa ito.
- Latest
- Trending