NPA nagdeklara ng ceasefire sa Bulusan
MANILA, Philippines – Sa gitna na rin ng paga-alburuto ng Mt. Bulusan sa Sorsogon, nagdeklara kahapon ng Suspension of Military Operations (SOMO) o tigil putukan ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kontra sa tropa ng gobyerno sa nasabing lalawigan.
Sa isang press statement, sinabi ni Samuel Guerrero, spokesman ng Celzo Minguez Command, ceasefire muna ang kanilang grupo upang tulungan ang mga residente na apektado ng pagbubuga ng abo ng Bulusan.
Ayon kay Guerrero, ang deklarasyon ng SOMO ay naglalayong mapabilis muna ang paglilikas sa mga residente ng danger areas upang tulungan ang mga ito gayundin upang mapabilis ang paghahatid ng relief goods sa mga evacuees.
Bilang tugon, agad namang tinanggap ni Col. Audie Delizo, commander ng 903rd Disaster Response Battalion ang naturang ‘peace offer’ ng NPA.
Sa kabila nito, ayon naman kay Army’s 9th Infantry Division (ID) Spokesman Major Harold Cabunoc sa kabila nito ay nakaalerto naman ang mga sundalo dahil posible itong ‘diversionary tactics‘ ng mga rebelde laban sa tropang gobyerno.
- Latest
- Trending