^

Bansa

PAGC binuwag ni P-Noy

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines – Binuwag na kahapon ni Pangulong Aquino ang Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) sa ipinalabas nitong Executive Order no. 13.

Sa ilalim ng EO 13 na nilagdaan ng Pangulo noong Nov. 15 subalit kahapon lamang inilabas, layunin ng pag­buwag sa PAGC na direktang ang Office of the President (OP) na ang magsasagawa ng imbestigasyon sa graft and corruption cases ng mga presi­dential appointees kabilang ang mga opisyal ng Go­vernment Owned and Controlled Coporations.­

Ang mga functions ng PAGC tulad ng pag-iim­bestiga, adjudicatory, recommendatory at iba pang kapangyarihan ay inilipat na sa Office of the Deputy Secretary for Legal Affairs ng OP.

Nilikha ni dating Pangulong Gloria Arroyo ang PAGC noong Abril 2001 upang imbestigahan at dinggin ang mga administrative cases ng mga reklamo sa presidential appointees.

Bukod sa PAGC, siyam na iba pang ahensiya ang posibleng buwagin kaya hindi na ito binigyan ng budget sa ilalim ng proposed 2011 budget.

ABRIL

BINUWAG

EXECUTIVE ORDER

LEGAL AFFAIRS

OFFICE OF THE DEPUTY SECRETARY

OFFICE OF THE PRESIDENT

OWNED AND CONTROLLED COPORATIONS

PANGULONG AQUINO

PANGULONG GLORIA ARROYO

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with