Lung cancer no. 1 pa rin
MANILA, Philippines - Nananatiling nangunguna ang lung cancer sa lahat ng mga uri ng cancer na kinabibilangan ng breast, colon, kidney, liver, skin at prostate na marami ang namamatay hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
Ayon kay Dr. Dennis Tudtud, pangulo ng Philippine Society of Medical Oncology, umaabot sa 1.18 milyon katao kada taon ang namamatay sanhi ng sakit habang 3,000 sa buong bansa at dalawa kada minuto.
Sinabi naman ni Dr. Mary Claire Vega-Soliman, head ng Breast Section ng Department of Oncology ng St. Luke’s Medical Center, karamihan sa mga nagkakaroon ng lung cancer ay mga nasa middle class.
Dahil dito sinabi nina Tudtud at Soliman na dapat nang pagtuunan ng pansin ng mga naninigarilyo ang mga sintomas ng lung cancer na kinabibilangan ng walang tigil na paninigarilyo, kakapusan ng hininga, umuubo ng may kasamang plema, pananakit sa pag-ubo, kawalan ng ganang kumain, madaling mapagod at pangangayayat.
Ipinaliwanag pa ni Soliman na maaari naman umanong agad na sumailalim sa clinical trial ang isang sintomas upang maagapan.
- Latest
- Trending