MANILA, Philippines - Ipinasilip sa media ng Malacañang sa kauna-unahang pagkakataon ang Presidential Situation Room (PSR) sa Malacanang Park.
Sinabi ni National Security Adviser Cesar Garcia, ang PSR ay ang magsisilbing monitoring room ng Pangulo kasama ang kanyang national cluster member ng Cabinet sa tuwing mayroong krisis sa bansa.
Ginastusan ang nasabing Presidential Situation Room ng P5.5 milyon sa loob ng Malacanang Park kung saan ay naroroon din ang PSG compound.
Wika naman ni Presidential Communications Operations Sec. Herminio Coloma Jr., ang nasabing silid ay dating ginamit ni dating Pangulong Ramos kapag pinupulong nito ang kanyang security cluster members.
Tumanggi namang pakunan ng larawan o video ang nasabing PSR para na rin sa seguridad.