^

Bansa

Nagbigay ng armas sa Ampatuan: Top PNP official sabit

- Nina Gemma Amargo-Garcia at Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang mataas na opis­yal ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng sumabit sa kaso ng mga Ampatuan matapos itong ituro ng testigo na nagbigay ng ‘armas’ sa mga ito na kabilang sa nagamit sa pagmasaker sa may 57 katao noong Nov. 23 ng nakaraang taon sa Maguin­danao.

Sinabi ni PO1 Rainier Ebus sa kanyang testimonya, itinuro din nito si dating Mayor Andal Ampa­tuan Jr. na bumaril ng halos 40 beses sa 57 biktima ng Maguindanao massacre.

Hiniling ng prosecution panel ng Department of Justice (DOJ) kay QC Regional Trial Court Judge Jocelyn Solis-Reyes na tanggapin ang testimonya ni Ebus sa kabila ng pagtutol ng abogado ni Ampatuan Jr.

Sinabi ni Assistant Chief State Prosecutor Richard Anthony Fadullon sa kanyang inihaing memorandum of authority kay Judge Solis-Reyes na balewalain nito ang pagtutol ng depensa.

Winika pa ni Ebus sa kanyang testimonya, si Ampatuan Jr. din ang nag-utos na itago ang mga matataas na kalibre ng armas na walang mga lisensiya gayundin ang mga matataas na kalibre ng baril ng kanilang angkan na sinasabing may sulat na inisyu ni dating Maguindanao PNP chief Sukarno Dicay na kabilang din sa mga akusado sa Maguindanao massacre.

Ibinunyag din ni Ebus na ang nasabing sulat ay mayroong basbas mula sa pinaka-mataas na opisyal ng PNP.

Magugunita sa nakaraang pagdinig sa kaso noong Nov. 10, tinutulan ni Atty. Sigrid Fortun, abogado ng Ampatuan, na isama ang testimonya ni Ebus.

Iginiit naman ng pro­sekusyon ang nakasaad sa Supreme court desisyon na “conspiracy need not be alleged in the information.”at maari lamang patunayan kapag simula na ang pagdinig ng kaso.

Isinusulong din ng prosekusyon ang pagtatanggal kay Ebus sa listahan ng mga akusado at sa halip ay gawin itong state witness kasama sina dating Ampatuan town Vice Mayor Rasul Sangki at Ins­pector Rex Arnel Diongon na nasa listahan din ng mga akusado at nais ng prosekusyon na gawing testigo.

Samantala, siniguro naman ni Justice Sec. Leila de Lima na lalahok siya sa unang anibersaryo ng Maguindanao massacre sa kabila ng ginawang pagpapasabog kamakalawa sa Shariff Aguak, Maguindanao.

Ayon kay Sec. De Lima, personal niyang rerepasuhin  ang rekords ng kaso upang malaman ang mga kahinaan sa paghawak ng prosekusyon sa Maguindanao case upang masi­guro na malakas ang kaso laban sa mga akusado.

Hiniling kahapon ng ibat-ibang media organizations sa Korte Suprema na ideklara na special court ang   Quezon City Regional Trial Court Branch 221 upang  tumutok lamang sa pagdinig sa kaso ng Ma­guindanao massacre.

Sa inihaing petition ng National Press Club (NPC) sa pangunguna ng presidente nito na si Jerry Yap at ng  Alyansa ng Filipinong Mamamahayag, sinabi nito na ang layunin nito ay upang magkaroon ng speedy trial ang nasabing kaso.

Sa kabilang dako, nasa red alert status ngayon ang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na nagdeploy ng libu-libong puwersa bilang bahagi ng security measures sa unang taong paggunita sa Maguindanao massacre ngayong Martes (Nobyembre 23).

Ang lalawigan ng Maguindanao ay nasa ilalim pa rin ng state of emergency kabilang ang Cotabato City at Sultan Kudarat bunga ng nangyaring karumaldumal na massacre na ikinasawi ng 57 katao, 32 dito ay mediamen noong Nobyembre 23, 2009 sa Brgy. Salman, Maguindanao.

Idineklara naman kagabi ni Pangulong Benigno Aquino III ang November 23 bilang national day of remembrance para sa biktima ng Maguindanao massacre.

Nilagdaan kagabi ni Pangulong Aquino ang Proclamation no. 73 para sa paggunita sa Maguindanao massacre victims.

AMPATUAN

AMPATUAN JR.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ASSISTANT CHIEF STATE PROSECUTOR RICHARD ANTHONY FADULLON

COTABATO CITY

EBUS

MAGUINDANAO

MASSACRE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with