^

Bansa

Lake rehab project 'di pa kanselado

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng pamahalaang Belgium na hindi pa pormal na kinakansela ng gobyerno ng Pilipinas ang kontrata para sa P18.7-bilyong Laguna Lake Rehabilitation Project (LLRP).

Iginiit ni Dimitry Detilleux, Baggerwerken Decloedt En Zoon (BDZ) North Asia manager, ang kumpanyang magsasagawa ng proyekto, na wala pang pormal na notice mula sa Malacañang o mula sa DENR, na lumagda sa kasunduan para sa ating pamahalaan.

Sinabi ni Arthur Allan Ponce, BDZ information officer, hindi katanggap-tanggap sa kumpanya ang pahayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na kinansela na ni Pangulong Aquino ang proyekto bilang “formal notice of cancellation.”

Kinumpirma din ng mga source sa DFA na inatasan ng Malacañang ang mga matataas na opisyal ng departamento upang makipagpulong sa mga Belgian diplomats upang pag-usapan ang proyekto at magtakda ng pa­kiki­pagtalakayan kay Pangulong Aquino ngayon ukol sa usapin.

“If, Indeed, the President had unilaterally scrubbed the project, why would he send Filipino diplomats to discuss the matter?” ani Ponce.

Iginiit ni Ponce na ang BDZ ay napatunayan na sa pamahalaan ng Pilipinas ang hangad nitong isulong ang proyekto at tulungang maibsan ang paulit-ulit na pagbaha sa National Capital Region (NCR), palakihin ang holding capacity ng Laguna de Bay at matiyak ang suplay ng tubig para sa Manila Water at Maynilad Water.

vuukle comment

ARTHUR ALLAN PONCE

BAGGERWERKEN DECLOEDT EN ZOON

DIMITRY DETILLEUX

IGINIIT

LAGUNA LAKE REHABILITATION PROJECT

MALACA

MANILA WATER

MAYNILAD WATER

NATIONAL CAPITAL REGION

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with