^

Bansa

Bulusan nagbuga uli ng abo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Muling nagbuga ng abo ang bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon na umabot sa dalawang kilometro na pinakamataas sa loob ng dalawang linggo.

Ayon kay July Sabit, resident volcanologist ng Phivolcs, alas 7:32 kahapon ng umaga nang magpalabas ng abo ang bulkan.

Bagama’t nagpapakita ng senyales ng pagiging aktibo ng bulkan wala naman daw dapat ikaalarma ang mga mamamayan dahil wala rin silang nakikitang senyales ng malakas na pagsabog nito.

Pero ayon kay Sabit, posibleng masundan pa ang naturang pagsabog kaya sinimulan na ng lokal na pamahalaan ang pag­likas sa tinatayang 500 pamilya sa ilang barangay sa bayan ng Irosin na naapektuhan ng ash fall.

Partikular na isinailalim sa voluntary evacuation ang mga residente sa mga barangay Gulos at Cogon na sakop ng 6km extended danger zone. Pansaman­tala silang pinatuloy sa evacuation center sa ilang paraalan sa Brgy. Irosin

Nagpapatuloy pa ang evacuation sa bayan ng Ubany sa Brgy. Puting Sapa gamit ang military truck na ang prayoridad ay mga bata. Sinimulan na rin ang pagbibigay ng relief goods sa mga evacuees.

AYON

BAGAMA

BRGY

BULUSAN

IROSIN

JULY SABIT

NAGPAPATULOY

PANSAMAN

PARTIKULAR

PUTING SAPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with