^

Bansa

Ulo ni Ping pepresyuhan na!

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Posibleng presyuhan na ang ulo ni dating Senador Panfilo Lacson upang mapabilis ang pagdakip dito.

Sinabi ng abogado ni dating Senior Superintendent Cezar Mancao na si Atty. Ferdinand Topacio, dapat na umanong magbigay ng pabuya o reward ang DOJ upang makatulong ang publiko sa paghahanap sa Senador at agad itong maaresto.

Ang DOJ na rin umano ang dapat na magtakda ng halaga ng reward mo­ney at sakaling mahuli na si Lacson ay dapat itong ilagay sa special holding cell bilang pagrespeto dito bilang dating director ge­neral ng Philippine National Police (PNP).

Sabi ni Topacio, nagdurusa na rin ang kanyang kliyente na si Mancao dahil kasalukuyan itong walang trabaho at binibigyan lamang ito ng pera ng kanyang asawa na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Hinikayat din ng abogado si Justice Secretary Leila de Lima na gawing testigo o muling sampahan ng kaso si da­ting Senior Supt. Glenn Dumlao kaugnay pa rin sa Dacer-corbito double murder case.

Naniniwala si Topacio na nagsisinungaling si Dumlao sa kanyang affi­davit ng kontrahin nito ang pahayag ni Mancao tungkol sa nasabing kaso at gusto rin nitong linisin si Lacson sa pamamagitan ng pagtuturo sa iba kahit na hindi naman akusado sa kaso.

Bukod dito isinangkot ni Dumlao sa kanyang  affidavit sa DOJ si P/Supt.Michael Ray Aquino na umano’y nag-utos sa kanya para i-surveillance si Dacer kasabay ng pag-amin na nandoon siya pagkatapos na dukutin sina Dacer at Corbito at maging sa ginawang tactical interrogation sa dalawa.

Inamin din nito ang pagsunog sa mga ebidensiya sa isinagawang krimen.

Sanhi nito, sinabi ni Topacio na hindi dapat maging state witness si Dumlao sa halip dapat itong makasama sa mga akusado.

DACER

DUMLAO

FERDINAND TOPACIO

GLENN DUMLAO

JUSTICE SECRETARY LEILA

LACSON

MANCAO

MICHAEL RAY AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TOPACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with