Magsasaka na nagpoprotesta sa DAR, natagpuang patay
MANILA, Philippines - Isang 61-anyos na magsasaka ang natagpuang patay habang nakahiga sa loob ng kubol na itinayo na mga magsasakang nagpo-protesta sa harapan ng gusali ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Elliptical road Quezon City.
Ang biktima ay nakilalang si Rogelio Salva, magsasaka ng Jacienda Bacan ng Negros Occidental. Inaalam naman ng mga awtoridad ang ugat ng kamatayan ng biktima at kung may foul play.
Unang nakita ng kanyang mga kasamahang magsasaka si Salva na masaya nang malaman na noon pang Oktubre 26 ng taong ito ay mayroon nang Certificate of Land Ownership Award (Cloa) ang kanyang ipinaglalabang lupain at takda na itong pormal na ipagkaloob sa kanila.
Si Salva ay nakaranas na makulong ng tatlong araw matapos arestuhin ng mga awtoridad noong 208 dahil sa patuloy na pakikipaglaban ng kanyang karapatan sa lupa na kanyang pinagyayayaman sa kanilang lalawigan at sumama sa protesta ng mga magsasaka bago nabawian ng buhay alas-6 ng umaga kahapon. Ang bangkay nito ay dinala na sa kanilang lalawigan.
- Latest
- Trending