Bill ni GMA suportado ni P-Noy

MANILA, Philippines -  Nakahanda si Pangulong Aquino na suportahan ang isinusulong na panukalang batas ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Pangulong Aquino, hindi mahalaga kung si dating Pangulong Arroyo ang may-akda ng panukala basta ito ay makakatulong sa gobyerno ay handa niya itong suportahan.

Idinagdag pa ng Pa­ngulo, hindi pa niya na­ba­basa ang panukalang amyenda sa Built-Operate-Transfer (BOT) law ni GMA pero kung ito ay para sa kapaka­nan ng bansa ay handa niya itong suportahan.

“Babasahin ko muna yung bill niya (GMA), baka puwede na yung bill pero again may mga ideas kami at yun ang ipapasok din natin. Hindi naman importante kung saan magmumula yung bill, kung makakatulong sa bansa ay puwede namang tulu­ngan,” dadag pa ni P-Noy.

Show comments