^

Bansa

Isa pang EDSA balak itayo

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Maiibsan lang ang nararanasang trapik sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue o EDSA kung magtatayo ang gobyerno ng panibagong kalsada na katulad nito.

Ito ang sinabi ni Sen. Ralph Recto ka­ugnay sa problema ng trapiko sa EDSA na naging dahilan upang ipatupad ang number coding scheme sa mga bus.

Sinabi ni Recto na puwedeng magtayo ng isang elevated na EDSA na maaaring matapos sa loob ng tatlong taon.

Pabor din si Recto na dagdagan ang mga coaches ng Metro Railway Transit (MRT) na maaring matapos sa loob ng isang taon upang mas maengganyo ang mga mamamayan na dito sumakay sa halip na sa bus.

“Nang sa ganoon, makikita ng mga tao na may pag-asa, may light at the end of the tunnel, so to speak,” ani Recto.

Napuna ng senador ang matinding siksikan sa loob ng mga MRT na isa umanong indikasyon na kulang na ang mga coaches nito.

Nagbawas nga ng mga bus na bumibiyahe sa EDSA pero hindi naman nagdagdag ng mga coaches ang MRT.

Naniniwala si Recto na makakatulong ang mga bagong imprastruktura sa paglago ng ekonomiya.

EPIFANIO DELOS SANTOS AVENUE

MAIIBSAN

METRO RAILWAY TRANSIT

NAGBAWAS

NANG

NANINIWALA

NAPUNA

RALPH RECTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with