^

Bansa

Mga kawani ng CAAP nagpapasaklolo kay P-Noy

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nanawagan ang mga empleyado ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kay Pangulong Aquino na tutukan ang mga suliraning kinakaharap ng kanilang ahensya.

Binigyang diin ng mga nagrereklamong kawani ang kawalan umano ng sapat na kakayahan ni General Manager Alfonso Cusi na pamunuan ang CAAP.

Nauna nang kinuwes­tyon ng mga kawani ang pagkakatalaga kay Cusi ng nakaraang administrasyon dahil sa kawalan nito ng kasanayan sa aviation.

Anila, ang credentials ni Cusi ay hindi tumutugon sa itinakdang kwalipikasyon ng isang mamumuno sa CAAP. Wala pa rin anilang pagkakataon na pinamunuan ang ahensya ng hindi piloto.

Ang responsibilidad ng CAAP ay kinapapalooban ng pag-aapruba ng lisensya ng flying schools, nag-iisyu ng lisensya sa mga pribado at commercial pilots, sumusuri sa seguridad ng mga airline na nakarehistro sa bansa, nagsasagawa ng check-out sa private at commercial pilots at nagkakansela ng lisensya ng mga eroplano na hindi nakasusunod sa safety requirements.

Ipinaalala rin ng mga manggagawa na nabigo si Cusi na maibalik sa Federal Aviation Authority (FAA) Category 1 ang Pilipinas kaya marapat lang na mapalitan siya sa pwesto.

ANILA

BINIGYANG

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

CUSI

FEDERAL AVIATION AUTHORITY

GENERAL MANAGER ALFONSO CUSI

IPINAALALA

NANAWAGAN

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with