^

Bansa

Napatay na hostage-taker kinasuhan pa rin ng MPD

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Kinasuhan pa rin ng Manila Police District (MPD) sa Department of Justice (DOJ) ng kasong Serious illegal detention ang napatay na hostage taker na si Senior Inspector Rolando Mendoza.

Sa reklamo ng MPD, inilagay bilang principal accused ang napatay na hostage taker samantalang ang kapatid nito na si SPO2 Gregorio Mendoza ay accomplice sa kaso.

Dahil dito kaya umangal naman si SP02 Mendoza at sinabing isang harassment ang ginagawa sa kanya ng MPD.

Naniniwala si SP02 Mendoza na kapag ang isang tao ay patay na ay hindi na ito pwedeng makulong o kasuhan.

Ikinatwiran naman ni Atty. Dennis Wagas na kailangan nilang kasuhan ang napatay na hostage taker upang maging matibay ang kanilang kaso laban kay Gregorio.

Samantala, inamin ni Assistant State Prosecutor Vimar Barcellano na sa kabila ng wala ng criminal liability si Rolando ay makakatutulong pa rin umano ito sa kasong conspiracy at accompliced laban sa kapatid nitong si Gregorio.

Matatandaang si Sr. Inspector Mendoza ay napatay sa police assault sa hostage tragedy na naganap noong Agust 26 sa Qurino grandstand.

ASSISTANT STATE PROSECUTOR VIMAR BARCELLANO

DAHIL

DENNIS WAGAS

DEPARTMENT OF JUSTICE

GREGORIO

GREGORIO MENDOZA

MANILA POLICE DISTRICT

MENDOZA

SENIOR INSPECTOR ROLANDO MENDOZA

SR. INSPECTOR MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with