Boy Abunda bagong NCCA ambassador
MANILA, Philippines - Itinalaga ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA) si television host Boy Abunda bilang ambassador nito, ayon sa Malacañang.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, informal designation ang posisyon ni Abunda dahil hindi naman ito kabilang sa listahan ng bagong appointments na inilabas ng tanggapan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.
“It may be an information designation by the NCAA, similar to that of an ambassador of goodwill, to promote the arts,” paliwanag pa ni Usec. Valte sa phonepatch interview ng Palace reporters kahapon.
Si Abunda ay matalik na kaibigan ng pinakabatang kapatid ni Pangulong Benigno Aquino III na si Kris Aquino-Yap.
Bukod kay Abunda, inihayag din ng NCCA na si actor Dingdong Dantes ay kanila ring youth ambassador.
Sinuportahan nina Abunda at Dantes si Pangulong Aquino sa nakaraang May 2010 elections.
- Latest
- Trending