Kris walang gag order sa Malacañang

MANILA, Philippines - Walang plano ang Malacañang na patigilin ang bunsong kapatid ni Pangulong Benigno Aquino III na si Kris sa pagkokomento tungkol sa bagong pag-ibig ni P-Noy na si Liz Uy.

Ayon kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Sec. Ricky Carandang, nakikita nilang interesado naman daw kasi ang publiko sa tuwing pinag-uusapan ang love life ng Pangulo.

Kasabay nito, tiniyak ng Palasyo na hindi naiirita si P-Noy kahit tila pinagpipiyestahan na ang love life nito.

Sinabi ni Carandang na ang tanging nais lang daw ng chief executive ay mas mapansin ang kanyang mga pasalubong mula sa Japan tulad ng mga bagong investments.

Show comments