^

Bansa

Live media coverage sa Maguindanao massacre trial, ihihirit sa SC

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Maghahain ng petisyon ang National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) sa Korte Suprema na magkaroon ng live media coverage ang trial ng Maguindanao massacre.

Ayon kay Atty. Rachel Pastores, mala­king  tulong ito para sa mga kaanak ng masaker na karamihan ay galing pa ng Mindanao.

Wika pa ni Pasto­res, sakaling paboran ng SC ang kanilang apela, hindi na luluwas ng Maynila ang mga kamag-anak ng biktima para dumalo sa court hearing.

Bukod dito, naniniwala si Pastores na dapat imulat ang publiko sa naganap na masaker na sinasabing kagagawan ng pamilya ni Andal Ampatuan Sr.

Bukod sa NUJP, lu­­magda rin sa petisyon ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), UP College of Mass Communication at iba pang media entity para igiit na gawing live ang coverage sa pagdinig sa naturang kaso.

ANDAL AMPATUAN SR.

AYON

BRODKASTER

BUKOD

COLLEGE OF MASS COMMUNICATION

KAPISANAN

KORTE SUPREMA

MAGHAHAIN

NATIONAL UNION OF JOURNALIST OF THE PHILIPPINES

RACHEL PASTORES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with