Ex-mayor, 8 pa dawit sa P44M anomalya
MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong criminal sa Office of the Ombudsman ang dating alkalde ng Lipa City kasama ang 6 na incumbent officials at 2 negosyante dahil sa umano’y P44 milyong ghost purchase ng supplies bago at matapos ang May 2010 elections.
Kinasuhan sina dating Lipa Mayor Oscar Gozos, Engr. Ireneo Adaya, dating city engineer Renato Katigbak, City accountant Ma. Belen Mercado-Villanueva, accounting inspectors Dante Litargo at Arnold del Rio; stock custodian Jonas Custodio; Virgilio Nestor Mendoza ng V.N. Mendoza trading at Ma. Judy Silva ng HSR 88 trading at ang kinatawan ni Silva na si Rico Rosita.
Kinasuhan sila ni Engr. Roldan Lopez bilang taxpayer at bilang city engineer ng Lipa City, ng umano’y pandaraya sa public treasury, falsification, qualified theft, direct bribery, paglabag sa anti-money launderning law, ill-gotten wealth, paglabag sa code of conduct and ethical standards ng public officials, hindi pagdedeklara ng income at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act.
Natuklasan ni Lopez ang mga umano’y anomalya matapos itong italaga na city engineer noong July 2.
- Latest
- Trending