MANILA, Philippines - Umabot sa $3.655 bilyong halaga ng investment ng Japan ang nilagdaan ni Pangulong Aquino sa pakikipagpulong nito sa mga top Japanese investors kahapon sa Tokyo, Japan.
Nakipagkita si Pangulong Aquino sa mga opisyal ng Marubeni Corp., Itochu Corp. at Toshiba Corporation sa Okura Hotel bago ito dumalo sa APEC Summit noong Biyernes.
Ang Marubeni ay maglalagak ng $3.4 bilyon para sa expansion ng Sual at Pagbilao power stations gayundin sa MRTR Line 7, LRT 2 East at West extension project.
Ang Toshiba naman ay maglalagak ng $133 milyon para sa expansion ng kanilang electronic products sa economic zone habang ang Itochu naman ay mag-iinvest naman ng $122 milyon para sa bio-ethanol sa Isabela.