^

Bansa

P16 milyon ang gastos ng gobyerno sa pagpunta ni P-Noy sa APEC

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Gagastos ang Palasyo ng tinatayang P16.34 milyon para sa limang araw na pagbisita ni Pangulong Noynoy Aquino sa Japan para sa 18th APEC Economic Leaders’ Meeting.

Ayon kay Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr., ang naturang halaga ay para sa gastusin sa akomodasyon, transportasyon, pagkain at pasahe sa eroplano ng 51 katao na kasama ng Pangulo sa kanyang unang partisipasyon sa pulong ng mga pinuno ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Yokohama mula Nobyembre 12 hanggang 15. 

Sinabi ni Ochoa na nasanay na ang mga empleyado ng Malakanyang sa mga paraan ng pagtitipid ng Punong Ehekutibo. “Everyone is conscious about the President’s desire to cut back on unnecessary expenses, so support staff are aware that they have to trim back their numbers to the barest minimum to perform their tasks during the trip,” paliwanag ni Ochoa.

Ayon sa Executive Secretary, ipinatutupad din ang paghihigpit ng sinturon sa iba pang tauhan ng gobyerno na nagnanais na magbiyahe sa ibang bansa.

“Only agency heads, for example, are allowed to use business class for commercial flights abroad and only on long-haul flights to destinations like the United States,” aniya. “For shorter flights, everyone-without exception-has to fly economy,” wika pa ni Ochoa.

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

AYON

ECONOMIC LEADERS

EXECUTIVE SECRETARY

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO N

GAGASTOS

MALAKANYANG

OCHOA

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PUNONG EHEKUTIBO

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with