Abalos, Bacalzo sa gun show
MANILA, Philippines - Pangungunahan nina Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Jr. at PNP Director General Raul Bacalzo ang pagbubukas ng 2010 Defense & Sporting Arms Show (DSAS) Part II sa Nobyembre 12 sa SM Megamall Megatrade Halls 1 at 2.
Isa si Abalos sa nagsusulong sa pagmamay-ari ng baril na may kaakibat na responsibilidad. Kakatagpuin naman ni Bacalzo ang mga opisyal ng Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD) sa pamumuno ni Atty. Hector Enriquez.
Sinabi ni Rodriguez na nasa ika-18 taon na ang naturang gun show na may tema ngayon na “Gun Ownership: A Lifetime Responsibility”.
Kasama ring dadalo sa okasyon sina PNP Director Josefino Cataluna, director for operations, at Chief Supt. Napoleon Estilles, director ng PNP Firearms and Explosives Division (FED).
Naimbitahan din ang mga opisyal ng A2S5 Coalition – na kinabibilangan ng mga propesyunal, negosyante, anti-crime groups, environmentalists, media, private security agencies at gun clubs na nangunguna sa pagtataguyod ng kalayaan ng mga mamamayan na “mamuhay ng tahimik at mapayapa.”
Marami pang ibang mga VIP, opisyal ng pamahalaan at gun aficionado na inaasahang dadagsa sa limang araw na gun show kung saan makikita ang mga bagong armas at gamit sa sport shooting.
Muli ring itatanghal sa “Art in Arms” gun memorabilia exhibit sa gun show para sa mga vintage at customized firearms enthusiasts ang mga baril na tunay na ginamit ng mga Filipino world champion shooters na sina Jethro Dionisio, Mary Grace Tan, Nathaniel “Tac” Padilla at Hagen Alexander Topacio.
- Latest
- Trending