^

Bansa

2 pang APO sa Bar blast tukoy na

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Kilala na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawa pang suspek sa naganap na pagpapasabog sa De La Salle University sa huling araw ng Bar exam nitong nakaraang September 26.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima ang dalawa pang suspek ay kapwa miyembro ng Alpha Phi Omega (APO) fraternity at siyang tumulong kay Anthony Nepomuceno upang makatakas habang binubugbog ito ng taumba­yan matapos na maghagis ng granada.

Tumanggi naman ang Kalihim na ibunyag ang pangalan ng dalawa matapos umano itong payuhan ng NBI.

Binigyan na lamang ni de Lima ng ultimatum ang dalawa na kaagad na lumutang sa NBI dahil kilala na ang mga ito at kung saan sila nagtatrabaho.

Ibinunyag naman ni de Lima na ang grenade throwing sa La Consolacion sa Mendiola. Maynila noong 2008 kung saan 32 ang nasugatan at sa Perpetual Help sa Las Pinas noong Marso 2010 kung saan 14 ang nasugatan ay may kaugnayan din sa DLSU blast subalit tumanggi itong idetalye ang nasabing kaso.

ALPHA PHI OMEGA

ANTHONY NEPOMUCENO

BINIGYAN

DE LA SALLE UNIVERSITY

IBINUNYAG

JUSTICE SECRETARY LEILA

LA CONSOLACION

LAS PINAS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PERPETUAL HELP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with