Bakuna sa mga sanggol vs Hepa B aprub na
MANILA, Philippines - Nakapasa na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Senado ang panukalang batas na naglalayong gawing mandatory ang pagbabakuna sa mga bagong silang na sanggol laban sa Hepatitis B.
Sa ilalim ng Senate Bill 138 o “An Act Requiring Basic Immnunization Services against Hepatitis B for infants,” ang mga bagong silang na sanggol ay babakunahan laban sa Hepa B sa loob ng 24 na oras matapos itong ipanganak.
Kung sa labas naman ng ospital o clinic ipinanganak ang sanggol, ito ay dapat dalhin sa pinakamalapit na health center facility para mabakunahan sa loob ng 24 na oras at hindi dapat palampasina ng pitong araw.
Ayon kay Sen. Pia Cayetano, pangunahing awtor ng panukala, mahalagang ma-institutionalize ang pagbabakuna laban sa mga sanggol upang masiguradong hindi sila magkakaroon ng Hepa B.
- Latest
- Trending