Belmonte susunod na LP president?

MANILA, Philippines - Malaki ang posibilidad na si House Speaker Feliciano Belmonte Jr., ang mahalal na susunod na presidente ng Liberal Party sa gagawing botohan ng partido sa Nobyembre 30.

Ito ang sinabi kahapon ng isang source na tumangging magpabanggit ng pa­ngalan kaugnay sa nalalapit na botohan ng partidong kinabibilangan ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sa kasalukuyan ay si dating Senator Mar Roxas ang presidente ng partido na posible umanong makalaban ni Belmonte sa gagawing botohan.

Kinukumbinsi umano ng mga matagal ng miyembro ng LP si Roxas na huwag bitawan ang kasalukuyang posisyon.

Wala pa umanong ibi­nibigay na katiyakan si Roxas na nais nitong mu­ling pamunuan ang partido lalo pa’t malakas ang ugong na itatalaga ito sa isang posisyon sa gabinete sa susunod na taon.

Suportado naman uma­no si Belmonte ng mga dating kaalyado ni Pa­ngulong Gloria Macapagal-Arroyo na sumama sa LP noong nakaraang national elections. Umaabot umano sa 50 ang nasabing mga bagong miyembro ng LP na sumusuporta kay Belmonte.

Show comments