Dengue cases sa bansa lumobo-DOH
MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na tumaas pa ang kaso ng dengue sa bansa at umaabot na sa 117,000 sa kabila ng programa ng gobyerno na malabanan ang naturang sakit.
Base sa talaan ng DOH-National Epidemiology Center, mula noong Enero hangang Oktubre 23, umabot na sa 116,699 ang naitatala nilang kaso ng dengue.
Ang nasabing bilang ay mataas ng 143.35 percent kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon kung saan tanging nasa 49,955 lamang ang naitala.
Bukod dito, iniulat ng DOH na nasa 704 na ang nasawi nang dahil sa dengue na mas mataas pa rin kumpara sa 480 noong nakalipas na taon.
Kabilang naman sa mga rehiyon na may mataas na kaso ng dengue ay ang Western Visayas na may 20,843; Calabarzon 16,651; National Capital Region 14,119; Central Visayas 9,145; at Socsargen na may 8,820 na kaso. Patuloy din umanong nambibiktima ang dengue sa Batangas, Laguna, Cebu, Camiguin, Davao del Sur at Mt. Province.
- Latest
- Trending