Probe vs city hall official

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Information Bureau chief Ric de Guzman na magiging patas ang imbestigasyon kaugnay sa reklamo ng mga tenant ng Royal Plaza Twin Tower Condominium Corp. laban kay Eloisa Behan na hepe ng departamento ng Manila City Hall na patuloy na nagsasagawa ng harassment.

Ayon kay de Guzman, susuriin nila ang affidavit na isinumite nina Julie Taneda, president at Julita Lopez, vice president kapwa opisyal ng RPTTC sa office of the mayor upang malaman ang mga reklamo laban kay Behan na hepe ng Electronic Processing Data (EDP) ng Manila City Hall.

“Posibleng hindi alam ni Mayor Lim ang ginagawang name dropping ni Behan upang masindak sila at tuluyang sumunod sa kanyang gusto kabilang na ang pagbibitiw sa kanilang posisyon, dagdag pa ni Taneda.

Show comments