^

Bansa

Illegal logging, pagkalbo sa Sierra Madre habol ni Villar

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Inupakan ni Sen. Manny Villar ang walang habas na pagputol ng kahoy na nagdudulot sa pagkasira at pagkakalbo ng kabundukan ng Sierra Madre na nagreresulta naman ng matinding pagbaha sa mga lugar na nasa paanan nito tulad ng Cagayan at Isabela.

Kaugnay nito, isang resolusyon ang inihain ni Villar sa Senado na humihiling sa Committee on Environment and Natural Resources na imbestigahan ang pagkasira ng Sierra Madre dahil sa kaliwa’t kanang pamumutol ng kahoy.

Iginiit ni Villar na ang Sierra Madre ay itinuturing bilang critical conservation priority area sa bansa dahil sa sobra-sobrang pag-abuso ng mga minero, loggers at ibang kompanya na nasa likod ng pagtatayo ng mga dam, at tambakan ng basura.

“Sa kabila ng ipinapatupad na logging bansa sa Sierra Madre, tahasan pa rin itong nilalabag. Patunay na dito ang mga nakumpiskang kahoy sa Ilagan at San Mariano sa Isabela. May mga saw mills din na patuloy ang operasyon sa tabing-ilog ng Agos sa bulubunduking bayan ng Magsaysay,” ayon pa kay Villar.

Inihain din ni Villar ang Senate Resolution No. 240, na nag-aatas sa Environment Committee at Committee on Climate Change na imbestigahan ang mga napabalitang illegal logging at pagbiyahe ng mga pinutol na kahoy sa Sierra Madre sa pamamagitan ng ilog ng Umiray na napapagitnaan ng mga lalawigan ng Aquzon at Aurora.

Ang bundok ng Sierra Madre ay 500 kilometro ang haba. Sakop nito ang 1.4 milyong ektarya ng lupain sa Luzon simula sa Cagayan hanggang sa lalawigan ng Quezon. Ang Sierra Madre ay ta­hanan ng 10 milyong Pilipino kabilang na ang 11 tribung katutubo gaya ng 500 Dumagat, Kalinga, Gaddang at Bugkalot.

Ang kabundukan ng Sierra Madre ay kumakatawan sa 50% ng nala­labing kagubatan sa Pilipinas.

ANG SIERRA MADRE

CLIMATE CHANGE

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ENVIRONMENT COMMITTEE

ISABELA

MADRE

MANNY VILLAR

SIERRA

SIERRA MADRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with