^

Bansa

Mag-ingat sa depektibong Xmas lights, decors

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nagbabala si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa mga residente ng lungsod na huwag gumamit ng mumurahin at substandard na Christmas lights at décors na posib­leng pagsimulan ng sunog.

Ayon kay Echiverri, ma­raming mga nagkalat ngayon sa bangketa at mga palengke na nagti­tinda ng mumurahing Christmas lights at décors na tinatangkilik naman ng residente na gustong ma­katipid sa mga gastusin.

Dahil dito, inatasan ng alkalde ang iba’t ibang de­partamento sa city hall na magsagawa ng mala­wa­kang kampanya laban sa mga nagtitinda ng mga substandard na Christmas lights at décors nang sa gayon ay masiguro ang ka­lig­tasan ng mga resi­dente.

Binalaan din ni Echi­verri ang mga negosyante na nagtitinda ng mga mu­murahing Christmas décors na posibleng ma­kasuhan ang mga ito ka­pag ipinag­patuloy ang pag­bebenta ng mga substandard na pailaw.

Samantala, sa naging paliwanag ng Bureau of Fire Protection (BFP), mas madaling magliyab ang mga mumurahing Christmas decors dahil manipis lamang ang ginamit na kable dito kumpara sa mga pa­ilaw na ibinebenta ng ligal na dumaan sa tamang pro­seso at pagsusuri ng iba’t ibang ahensiya ng gob­­yerno.

AYON

BINALAAN

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

DAHIL

ECHI

ECHIVERRI

NAGBABALA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with