Prosecutor sa 'Maguindanao' namatay
MANILA, Philippines - Namatay kahapon sa atake sa puso ang isa sa miyembro ng prosekusyon na humahawak sa kaso ng Maguindanao massacre.
Kinumpirma ni Justice Sec. Leila de Lima ang pagkamatay ni Senior State Prosecutor Leo Dacera, 54.
Nagawa pang maisugod sa Medical City sa Pasig si Dacera subalit idineklara na itong dead on arrival.
Si Dacera ay nagsilbi ding provincial prosecutor ng Lanao del Sur at director ng Witness Protection Program (WPP).
Samantala, pinapaimbestigahan na ni de Lima ang nadiskubreng problema na bumabagabag kay Dacera bago ito namatay. Gayunman, tumanggi ang kalihim na isiwalat ito para na rin sa proteksyon sa pa milya ng opisyal bagama’t may kaugnayan umano ito sa trabaho.
Pansamantalang itina laga si Atty. Martin Menez bilang acting director ng WPP.
- Latest
- Trending