Taguig official pumalag sa black propaganda
MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Taguig City University official ang lumabas na ulat na nagmula sa kanya ang umano’y iligal na paniningil ng mga bayarin sa mga mag-aaral ng naturang paaralan.
Ayon kay TCU vice president for administration Prof. Ana Marie Calapit, ang mga itinalagang opisyal noong nakaraang administrasyon ni ex-Taguig mayor Freddie Tinga ang dapat sisihin sa mga kataka-takang bayarin ng mga estudyante.
Lumantad si Prof. Calapit matapos madiskubre ang mga umano’y maanomalyang patakaran pampinansyal ng mga opisyales na nangangasiwa ng TCU na itinalaga pa sa administrasyon ni Tinga.
Kasama raw dito ang kwestiyonableng fees sa mga estudyante, ghost employees, padded salaries at walang kaltas na sahod sa mga guro na panay naman ang absent.
Naniniwala si Calapit na ang naturang akusasyon ay bahagi ng “panggugulo” kay Mayor Lani Cayetano kaya umapela siya na bigyan ng pagkakataon ang bagong alkalde na magpatupad ng mga positibong reporma,
Nilinaw din ni Calapit na mahigpit ang kautusan ni Mayor Cayetano sa “no tuition, no other fees” bilang bahagi ng paglilinis sa TCU mula sa korupsyon at isulong ang tunay na paglilingkod sa pamamagitan ng pagbibigay ng libre at de-kalidad na edukasyon.
- Latest
- Trending