MANILA, Philippines – Isinasailalim ngayon sa ‘monitoring’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga lokal na teroristang grupo na nagsisilbing front sa bansa ng mga international terrorist groups.
Sinabi ni AFP Spokesman B/Gen. Jose Mabanta Jr. na inalerto na ng AFP ang kanilang mga tauhan upang mahigpit na bantayan ang mga airports, sea ports, government installations gayundin ang LRT, MRT, bus terminals at mga malls na posibleng target ng mga terrorist groups kasunod ng nasilat na terror attack ng Al-Qaeda sa Estados Unidos makaraang masamsam ang 2 kahon na naglalaman ng bomba lulan ng eroplano mula sa Yemen.
Kabilang sa front ng international terrorist groups ay ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG), Rajah Sulaiman Movement (RSM) at maging ang mga rouge elements ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ang naturang mga lokal na grupo ay sinanay sa terorismo ng kanilang kaalyadong grupo na Jemaah Islamiyah (JI) , ang Southeast Asian terror network na naitatag ng Al Qaeda.