Dagdag na checkpoints inutos ng Comelec
MANILA, Philippines - Inutos ng Commission on Elections (Comelec) ang karagdagang checkpoints sa mga lugar sa bansa na ipinagpaliban ang halalan kaugnay ng pagsasagawa ng special Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Sa resolusyon ng Comelec, inatasan din nito ang Philippine National Police (PNP) na maglagay pa ng karagdagang checkpoints sa Basilian, Lanao del Sur at sa unang distrito ng Bulacan.
Ayon sa Comelec, kailangan pa rin ang mga checkpoints dahil marami pa rin ang mga lumalabag sa gun ban.
Una nang inutos ng Comelec ang pagsasagawa ng special Barangay at SK elections sa Nobyembre 13 sa unang distrito ng Bulacan, sa lalawigan ng Basilan, munisipalidad ng Buadiposo Buntong, Kapai, Marantao, Calanogas, Ganassi, Lumbatan, Pagayawan, at Tugaya sa Lanao del Sur.
- Latest
- Trending