^

Bansa

P-Noy hindi muna haharapin ang NDF negotiators

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Walang katiyakan na haharapin ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga negosyador ng National Democratic Front (NDF) na darating sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Aquino, ikokonsulta muna niya kay Presidential Peace Adviser Teresita Deles at sa head ng GRP panel na si Health Undersecretary Alex Padilla kung nararapat ba niyang harapin ang NDF negotiators.

Nakatakdang dumating sa bansa sa susunod na buwan sina NDF negotiators Luis Jalandoni at Connie Ledesma. Makikipag-usap sina Jalandoni at Ledesma kay GRP panel head Padilla sa pagdating nito sa bansa.

Nais din sana ng NDF negotiators na makausap nila ng personal si Pangulong Aquino upang maipatid ng mga ito ang posisyon ng NDF bago bumalik sa negotiating table.

Sinabi ng Pangulo, handa niyang kausapin kahit sino pero kailangang makausap muna niya ang kanyang mga peace advisers.

“Sa palagay ko kailangan muna naming kausapin ang adviser, si Ging Deles, at dapat kong makausap ang head ng negotiating panel. Kung hindi ko tutugunan ang kanilang payo, bakit pa sila hinirang. So kakausapin ko muna silang dalawa,” pahayag pa ng chief executive sa panayam ng Palace reporters matapos itong dumating sa bansa mula sa Vietnam noong Linggo ng gabi sa NAIA terminal 2.

CONNIE LEDESMA

GING DELES

HEALTH UNDERSECRETARY ALEX PADILLA

JALANDONI

LUIS JALANDONI

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL PEACE ADVISER TERESITA DELES

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with