Writer ni P-Noy binatikos

MANILA, Philippines - Binatikos ng mga kongresista sa Kamara ang gobyerno partikular ang isang opisyal sa ilalim ng tanggapan ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office na pinamumunuan ni Secretary Ricky Carandang dahil kailangan silang magsanay o kumuha ng crash course ng ‘tact and diplomacy’ para maiwasan ang umano’y pagka-arogante ng ilang opisyal dito.

Sinabi ni Gabriela party-list Rep. Luzviminda Ilagan, nakagawa ng mala­king pagkakamali ang isang opisyal na kasama sa delegasyon ni Aquino sa Vietnam dahil naging arogante ito ng sumbatan ang ibinigay na ‘wine’ ng Vietnam government sa isang pagtitipon doon kamakailan.

“That was another blunder from P-Noy’s, staff, this time with diplomatic implications. Haven’t P-Noy’s people been briefed on protocol or even in basic courtesy and good manners?” sabi ni Ilagan.

Kinondena ni Ilagan si presidential speechwriter Assistant Sec. Carmen Mislang, sa pag-uugali nito at pagpapakita umano ng hindi magandang asal.

“Why do we have presidential personnel who are so condescending and others and who even have the arrogance and temerity to tweet her biases? Nakakahiya.”

 “Irresponsible,” ang ginawa ni Mislang ayon kay  Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez.

“Matapos insultuhin ni Mislang ang ‘wine’ na ipinainom sa kanila ng Vietnam government sa nasabing pagtitipon ay muli itong nagpakita ng hindi magandang asal ng mabasa sa kanyang twitter ang mga katagang  “Crossing the speedy motorcycle-laden streets of Hanoi is the easiest ways to die. You think you’re safe on the sidewalk? Think again!”

Gayunman, binura ni Mislang ang kanyang  tweets at naglabas ito ng ‘apology’ matapos mapikon umano ang mga nakabasa na  netizens dahil sa pangyayari

Samantala, sinabi nina Zambales Rep. Milagros “Mitos” Magsaysay at Agham Rep. Angelo Palmones na kailangan dumaan muna sa isang crash course tungkol sa diplomatic at basic courtesy ang ilang opisyal ng Aquino government.

“The government is not a training ground for tact and diplomacy. She should be very careful with the statement she makes because she’s part of the official delegation. Pinoy’s people who are on ojt have a lot to learn in the area of tact and diplomacy,” ani Magsaysay.

Show comments