^

Bansa

Edad ng SK gagawing 12

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Taliwas sa panukala ng ilang mambabatas na buwagin na ang Sangguniang Kabataan, nais naman ni Senador Miriam Defensor Santiago na gawing 12 anyos ang minimum age requirement sa Sangguniang Kabataan.

Sa Senate Bill 1739 na inihain ni Santiago, naniniwala ang senadora na mas marami ang dapat makinabang sa mga programa ng SK lalo na kung bibigyan ng 15 percent mula sa general fund ng bawat barangay bilang budget nito.

Ipinaliwanag ni Santiago na mas magagabayan ng estado ang mas maraming kabataan kung gagawing 12 taon ang minimun age requirement para sa mga miyembro nito.

Dapat aniyang mas pagtuunan ng pansin sa SK ang mga programa para sa ispirituwal at moral well-being ng mga kabataan sa halip na nakatuon lamang sa physical development ng mga ito.

Dahil maraming magulang ang hindi na nabibigyang aral ang mga anak ukol sa moralidad at spiritwalidad, ang gobyerno na ang kailangang magsulong ng reporma.

DAHIL

DAPAT

IPINALIWANAG

KABATAAN

SA SENATE BILL

SANGGUNIANG KABATAAN

SENADOR MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

TALIWAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with