^

Bansa

Mercy hindi makakakuha ng patas na trato

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines – Hindi makakakuha ng patas na trato si Ombudsman Merceditas Gutierrez kapag itinuloy ang impeachment proceedings laban dito.

Ito ang iginiit kahapon ng abogado ni Gutierrez na si Atty. Serafin Cuevas sa kanyang inihaing 124 pahinanang memoranda sa Korte Suprema at sinabing makakaapekto din ang nasabing pagdinig sa tanggapan nito lalo na sa kampanya ng Ombudsman laban sa graft and corruption.

Ang mga reklamong nakasaad sa dalawang impeachment complaint na inihain laban kay Gutierrez ay hindi maaring depen­sahan ng hindi napag-aaralan ng husto ang mga bagay at insidente na sumasakop ng 3 taon na maaring magbunsod sa pagkapilay ng tanggapan ng Ombudsman dahil hindi na nito magagampanan ang kanyang tungkulin dahil wala na itong ga­gawin kundi sagutin ang mga reklamo.

Ipinunto rin ni Cuevas na ang pagdinig sa impeachment case ay mi­nadali bago pa man ang pagsasapubliko ng House rules patungkol sa impeachment proceedings.

Binalewala rin anya ng House Committee on Justice ang usapin sa constitutionality ng pagtanggap ng dalawang impeachment complaint laban kay Gutierrez sa loob ng one year ban.

Malinaw anya na na­kasaad sa article XI ng saligang batas na walang impeachment proceeding ang maaring umpisahan laban sa isang opisyal ng hingit sa dalawang beses sa loob ng isang taon.

Magugunita na nag­palabas ang Korte Sup­rema ng status quo ante order na nag-aatas sa Kamara na itigil ang impeachment proceeding habang dinidinig ng korte ang petisyon ni Gutierrez na humihiling na mapa­walang bisa ang dala­ wang impeachment complaint laban sa kanya.

BINALEWALA

CUEVAS

HOUSE COMMITTEE

IMPEACHMENT

IPINUNTO

KORTE SUP

KORTE SUPREMA

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

SERAFIN CUEVAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with