MANILA, Philippines – Tiniyak ni Land Transportation Office (LTO) Chief Virginia Torres ang pagkakaroon ng ligtas na paglalakbay laluna ng mga pampasaherong sa sakyan sa paggunita ng bansa sa All Saints day.
Inatasan na ni Torres ang mga regional directors at district heads ng ahensiya na ipamalas ang road safety campaign sa mga motorista para matiyak ang kaligtasan sa kalsada ng mga manlalakbay at tuloy maprotektahan ang kapakanan ng mga motorista sa lansangan.
Pinaalalahanan din ni Torres ang mga motorista na tiyaking road worthy ang mga sasakyan bago magtungo sa kani-kanilang destinasyon nga yong undas at makaiwas sa sakuna at matinding trapiko.
Ngayong Biyernes, pinangunahan ni Torres at ni LTO NCR Director Camilo Guarin ang pag-ikot sa mga terminals para matiyak na road worthy ang mga bus na maghahatid sundo sa mga pasahero para dalawin ang mga yumao nilang mahal sa buhay sa kani-kanilang mga destinasyon.
Sinabi din ni Guarin na hindi muna sila manghuhuli ng mga pasaway na drivers mula Sabado, Oktubre 30 hangang Nob. 2 at pawang public assistance lamang ang ga gawin ng mga traffic enforcres ng LTO sa Metro Manila.