^

Bansa

Ligtas na paglalakbay ng mga motorista sa Undas, tiniyak ng LTO

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Land Transportation Office (LTO) Chief Virginia Torres ang pagkakaroon ng ligtas na paglalakbay laluna ng mga pampasaherong sa­ sak­yan sa paggu­nita ng bansa sa All Saints day.

Inatasan na ni Torres ang mga regional directors at district heads ng ahen­siya na ipamalas ang road safety campaign sa mga motorista para mati­yak ang kaligtasan sa kalsada ng mga manla­lakbay at tuloy mapro­tektahan ang kapa­kanan ng mga motorista sa lan­sangan.

Pinaalalahanan din ni Torres ang mga motorista na tiyaking road worthy ang mga sasakyan bago magtungo sa kani-kani­lang destinasyon nga­ yong un­das at makaiwas sa sa­kuna at matinding trapiko.

Ngayong Biyernes, pinangunahan ni Torres at ni LTO NCR Director Camilo Guarin ang pag-ikot sa mga terminals para matiyak na road worthy ang mga bus na magha­hatid sundo sa mga pa­sahero para dalawin ang mga yumao nilang mahal sa buhay sa kani-kanilang mga destinasyon.

Sinabi din ni Guarin na hindi muna sila mang­huhuli ng mga pasaway na drivers mula Sabado, Oktubre 30 hangang Nob. 2 at pawang public assistance lamang ang ga­ gawin ng mga traffic en­forcres ng LTO sa Metro Manila.

vuukle comment

ALL SAINTS

CHIEF VIRGINIA TORRES

DIRECTOR CAMILO GUARIN

GUARIN

INATASAN

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METRO MANILA

NGAYONG BIYERNES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with