Hindi na RP, 'PH' o 'PHL', bagong acronym ng Pilipinas

MANILA, Philippines – Hindi na gagamitin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang “RP” bilang acronym ng pangalan ng bansa, at sa halip ay gagawin na itong “PH” o “PHL,” na siyang inisyal na itinakda ng International Organization for Standardization­ (ISO) para sa Pilipinas upang maiwasan na rin umano ang anumang kalituhan sa paggamit ng inisyal.

Paliwanag ng DFA, dinivelop ng ISO ang ISO3166-1 codes, na nagtatalaga ng two-letter at three-letter code sa mga member-countries nito, at “PH” at “PHL” ang itinalaga nitong inisyal na kumakatawan sa Philippines.

Ang ISO 3166-1 ay bahagi umano ng ISO 3166 standard na in-adopt ng ISO, at nagde-define ng codes para sa mga pangalan ng bansa, dependent territories, at special areas.

Ang naturang codes ay ginagamit na rin umano sa bansa at sa ibayong dagat sa airline ticketing, passport issuances, currencies, at maging sa internationally-traded shares of stocks.

Show comments