MANILA, Philippines - Hihirangin ngayon bilang isang National Shrine ang archdiocesan shrine ng St. Jude Thaddeus sa J.P. Laurel St., San Miguel, Manila.
Pangungunahan ni His Emminence Gaudencio Cardinal Rosales, Archbishop ng Manila, ang pagpapasinaya sa isang Mass simula 5:00 ng hapon.
Si parish priest, Fr. Rolando “Rocky” Aquino, SVD, na siyang nagsikap na makumpleto ang requirements ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)para sa elevation, ay nagpasalamat sa Panginoon at gayundin sa mga parishioners.
Ang novena noong mga unang araw ay sinalihan ng kakaunting tao ngunit dumami nang dumami ang mga deboto na nagpatunay na dininig ang kanilang mga panalangin sa tulong ng “ Saint of the Impossible” o “ Patron of the Hopeless.” “Isa itong ganap na pagpapala at isang dream-come-true mula sa first devotion sa St. Jude noong 1959 ng pioneers na sina Fr. Peter Tsao, SVD, and Fr. Peter Yang, SVD,” sabi ni Fr. Aquino.