19,000 barangay, SK chairmen proklamado na
MANILA, Philippines - Umaabot na sa 19,000 barangay sa buong bansa ang nakapag-proklama na ng mga nanalo sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay Divina Blas-Perez, Director ng Election and Barangay Affairs Department ng Commission on Elections, 18,926 o 45.6 percent ng kabuuang 42,025 barangay sa buong kapuluan ang may bagong set ng mga chairman, kagawad at SK officials.
Kamakalawa ay nasa 2,303 ang nagsagawa ng halalan matapos ipagpaliban ang botohan noong Lunes dahil sa aberya ng delivery ng mga election materials habang kahapon ay nasa 117 barangay ang magsasagawa ng eleksiyon.
Hindi naman makapagpalabas pa ang Comelec ng bilang ng mga botanteng nakilahok sa halalan dahil kailangan muna raw nilang tapusin ang lahat ng botohan.
- Latest
- Trending