^

Bansa

Walang Pinoy sa lindol, tsunami sa Indonesia

- Ni Rudy Andal/Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Walang Pinoy ang kabilang sa mga biktima ng lindol at tsunami sa Indonesia na ikinasawi ng may 113 katao at pagkawala ng nasa 500 pa, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Inatasan na ni Pa­ngu­long Aquino si Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo na tutukan ng embahada ng Pilipinas sa Jakarta ang sitwasyon sa Mentawai island sa West Sumatra na tinamaan ng tsunami.

Tiniyak naman kahapon ng Pangulo ang pagpapadala ng huma­nitarian team sa Indonesia kasunod ng pa­nanalasa ng tsunami at lindol.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang Pangulo sa pamilya ng mga biktima ng tsunami at lindol sa Indonesia. Nagpasalamat din si P-Noy na ligtas ang may 100,000 Filipino na nasa Indonesia.

Bagama’t hindi nagpalabas ng travel advisory ang DFA, pinag-iingat pa rin nito ang mga Filipino na nais magtungo sa Indonesia.

Nasa ikalawang araw ng kanyang state visit si Pangulong Aquino sa Vietnam kung saan ay sinaksihan din nito ang paglagda sa apat na kasunduan dito.

vuukle comment

ALBERTO ROMULO

AQUINO

BAGAMA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FOREIGN AFFAIRS SEC

INATASAN

PANGULO

PANGULONG AQUINO

WALANG PINOY

WEST SUMATRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with