^

Bansa

14 Pinoy dinukot ng pirata

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - May 14 tripulanteng Pinoy ang dinukot habang isa ang pinalaya ng mga pirata sa magkahiwalay na insidente ng hijacking sa karagatang sakop ng Africa at Somalia, ayon sa ulat na tinanggap ng Department of Foreign Affairs kahapon.

Sa report ng European Union Naval Force Somalia, ang Singapore-flagged LPG tanker ay hinayjack ng mga pirata habang naglalayag sa karagatan ng Africa noong Sabado at dinala na sa lugar ng pinamumugaran ng mga pirata sa Somalia.

Ang Greek-managed MV York na may sakay na 17 crew na kinabibilangan ng 14 Pinoy, isang German master at dalawang Ukrainians ay galing sa Kenya upang magdiskarga ng LPG cargo sa Shimanzi oil Terminal sa Mombasa ng masabat habang patungo sa Seychelles. Dinala na ang barko sa Garad, ang kuta ng mga pirata sa central Somalia.

Ayon sa Foreign Affairs Sopkesman Ed Malaya, nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa Singapore at Nairobi sa ship principal ng mga dinukot na Pinoy upang mapabilis ang negosasyon at pagpapalaya sa mga bihag.

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DINALA

EMBAHADA

EUROPEAN UNION NAVAL FORCE SOMALIA

FOREIGN AFFAIRS SOPKESMAN ED MALAYA

MOMBASA

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with