MANILA, Philippines - Igigiit ng transport group sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang P1.00 taas pasahe sa mga pampasaherong jeep dahil sa nakaambang pagtaas ng 300 percent sa South Luzon Expressway (SLEX) toll fee, kotong, mga ordinansa at mataas na halaga ng mga bilihin sa bansa.
Sinabi ni Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas Inc (LTOP) President Orlando Marquez, mula sa P7 ay nais nilang maging P8.00 na ang pasahe sa jeep dahil babawiin na nila ang 50 sentimos na regalong handog nila noong pasko ng 2008 at dagdag na 50 sentimos naman para sa epekto ng mga nagtaasang bayarin sa ngayon.
Binigyang diin ni Marquez na sa taas pasahe lamang sila makakabawi ng konti sa mga gastusin ng sector ng transportasyon
Anya, provisional fare hike increase ang gagawin nila ngayong hiling sa LTFRB para hindi na dumaan sa public hearing ang pagtataas sa passage sa mga pampasaherong jeep nationwide partikular sa Metro Manila.